lieza_fe "a snail's pace to victory is a path to victory nevertheless"
|
|
|
 |
|
Jan 13, 2006
Dahil birthday ng isang kaibigan, sige pagbigyan. Kahit hindi pa ako masyadong magaling. Celebrate! Pero blessing in disguise din siguro. Nasunog ata lahat ng mikrobyo sa lalamunan ko. Mataas din kasi sa Vitamin C ang kalamansi. At mayaman sa Iodine ang asin.
Kaya may irerekumenda ako. Sipon at ubo ba kamo? Mag Cuervo! (biro lang)
Posted at 06:58 pm by lieza_fe
Permalink
Jan 12, 2006
Lalu na kung nararamdaman mo nang unti unti ka nang nakakahinga sa ilong at napo-pronounce mo na nang tama ang letter n at ng.
Posted at 06:58 pm by lieza_fe
Permalink
Jan 11, 2006
Hngngngng… Hay
Apat da araw da akog bay sakit. Hirap talagag bagig sipudid. Sakit dag ulo, sakit pa dag katawad. Twig gigisig ako, para akog bay lagdat. Hay. Dahawaad ko pa ag kapatid ko. Ubuulad da dag tissue ditto. Kug sisilipid bo ag bahay dabid, parag bay isdow. Oo, isdow! (As id dyebe. Yug kagaya sa ibag badsa. Yug dasa Dorth Pole. Oo yud ga!)
Kaya bidabawi da lag dabid sa pagkaid. Balaki da ga kita sabid dug lola da dagtitida dag podkad sa kadto. Pero wa epek pa did. Sag basket da dag podkad ag dakaid ko bay sipod pa did ako. Lidtik dabad oo. Baka aboy sitrus da pati pawis ko. Igsh. Baka habulid da ago dag fruit fly. Eee.
Posted at 06:58 pm by lieza_fe
Permalink
Jan 10, 2006
January 10
Sa wakes, nakapagnecropsy din kami ng tunay na may sakit. Dalawang kadiring manok. Suspected New Castle's Disease daw. Yiii! Pareho kaming may sipon. Haha.
Ako kaya, pag ni-necropsy, ano kayang makikita? Siguro sipon. Maraming maraming sipon. Leche. Sipon na tinubuan ng tao.
Hay naku. Yung isa nagwala pa. putol na ulo, tatakas pa. Para tuloy binendisyonan ng dugo ang sahig. Napag mop tuloy kami.
Ang saya. Tinola nga pala ang nakaschedule na lulutuin ko para sa dinner. Tsk. Sapul na sapul naman. Hindi ata ako maghahapunan. Pero okey lang. nagluto pa rin ako as promised. Naging sweet tinola nga lang dahil medyo hinog na yung papaya. Kakaiba. Ulam na, pang himagas pa!
Posted at 06:58 pm by lieza_fe
Permalink
Jan 9, 2006
Inutil ako buong araw. Ramdam na ramdam ko na hindi talaga ako magaling. Ako na siguro ang lampayatot na pinaka-hindi halata.
Sa bed lang ako maghapon. Ilang rolyo na ng tissue ang naubos ko. Pwede ko na sigurong pagkakitaan. Ibibilad lang sa araw at ire-repack. Lalagyan ko ng magandang label: Pre-Treated Paper Mache. Just add water. May be molded into any shape desired.
Naku may exam nanaman pala bukas. Patay. Partida nanaman. Nagdedeliryo pa ako.
Posted at 06:58 pm by lieza_fe
Permalink
Jan 8, 2006
Masama ang pakiramdam ko pag gising ko. Naku! Baka may nakuha akong something sa paglalayas naming kahapon.
Baka namaligno ako.
O baka may nakuha ako sa pusa. Pero naghugas naman akong mabuti pagkatapos magnecropsy. Ay naku lisape wag kang o.a. bulate lang ang prublema nya. Pero kahit na...
Hmm..baka may nakain ako? Wala naman.
Ah, siguro dahil naulanan ako kahapon. Pero isipin mo, hindi naman talaga nagco-cause ng sakit ang ulan. Tubig lang yun dib a? At hindi ko naman ininum…
Hay, sige na nga, aaminin ko na. malaking karne lang talaga ako pero lampayatot pa rin. Sipon at ubo lang talaga ang kryptonite ko. Naglalaro pa ako ng lupa, yun na talaga ang sakit ko. Sipunin talaga ako. Hindi naman ako nagkakasakit ng kahit ano. Yun lang talaga. Hindi pa ako nagkaka dengue, mumps, chickenpox o measles. Pero taun-taon, walang palya sinisipon ako. Lalo tuwing December at January hanggang mag tag init. Dapat kunin na akong endorser ng Joy bathroom tissue. Siguro ako na ang pinakamalakas na consumer ng tissue paper sa retail level sa buong Pilipinas. Napapanaginipan ko na nga e. Ang ibinayad ko daw sa tricycle ay isang putol ng tissue. Weird.
Eeeesh! Masama talaga ang pakiramdam ko.
Posted at 12:12 am by lieza_fe
Permalink
Jan 7, 2006
Dito nakitulog si Zab kagabi. Nagrereklamo kasi sya sa housemates nyang sobrang ingay daw. Ginagawang org house at movie house ang apartment nila. Buti kung nagpapabayad e hinde. Astig nang gumamit ng kuryente, kinain pa ang pagkaing niluto nya para sa kanila sana ng boypren nya.
Madalas na problema yan ng mga tao dito. Yung mga estudyanteng parang nagsama sama lang sa isang bahay para may masilungan sa gabi o para may tulugan sa madaling araw kapag sarado na ang mga gimikan o para may bahay inuman mismo. Meron nga akong kilala nag-apartment pero para lang may closet. Lagi din kasing nasa labas at masyado lang madami ang damit nya para bitbitin kahit saan sya mag punta.
Typical living arrangement ng mga estudyante. Kung sino ang may pinakamatigas na mukha, sya ang magdadala ng blocmates, orgmates, boyfriends at girlfriends para i-maximize ang nirerentahang espasyo. Habang ang ibang totoong housemates ay lumalabas na ang nga ugat sa mata sa sobrang inis kaya maghahanap ng ibang lugar na mapupuntahan.
Kaya nagpapasalamat ako sa nanay at tatay ko na tumutulo ang dugo’t pawis para ang bahay na titirahan ko ay maayos at makakatulog ako ng mahimbing sa gabi. At hindi ako makikitulog kung saan saan.
Posted at 12:12 am by lieza_fe
Permalink
Tanghali na kaming gumising. Maghahunting pa kami ng gagamitin namin sa Patho case. Walang ligu-ligo. Kapag naligo pa kami, aabutin kami ng hapunan. Good luck na lang. Maganda pa rin naman ako. Sinuot ko lang ang shorts ng tatay ko (hindi nya alam na nasa akin yun. Ninakaw ko lang nung huli akong umuwi samin, type ko e.) saka t-shirt na malaki. (Ayan, kaya ka napapagkamalang tibo e). Aba, ikaw na, ayokong magsuot ng maganda at papapampam. Baka (malamang) mapupunta kami sa mga hindi inaasahang lugar, mabuti na yung komportable ako. (na napatunayan kong tama, ilang oras pa ang dumaan)
San ka nga naman kasi makakahanap ng aso o pusang naghihingalo at any given time? Sana lang may Diagon Alley din para sa mga estudyante ng Vet Med.
Napag isipan naming pumunta na lang sa may riles. Marami dung sakiting aso sigurado. Pero napahiya ako. Kontra sa ibang imahe ng home along the riles na mahihirap at sira-sira ang mga bahay, iba ang sumalubong sa amin. Oo, may bahay na kahoy at tagpi tagpi pero tingan mo at hanggang third floor! Hindi pa dun kasama ang tree house at bahay kalapati. Meron ding naka todo tiles ang bahay. Merong naka Baron Super Antenna at hindi ko lang nabusisi (pero malamang meron) kung may cable yung iba. Merong di billiards table pa, merong may napakalaki at napaklakas na karaoke sound system na mapapaisip ka kung magkano ba ang electric bill nila.
Hindi rin sila gusgusin at mababaho. Katunayan yung mga nakasalubong at napagtanungan namin, maga bagong ligo ( di gaya namin), tumutulo pa ang buhok at amoy Cream Silk. Sushal!( Shampoo lang is kulang!)
Pagdating sa dulo, may nagprisinta. May sakit daw ang aso nila. Pinuntahan namin. Oo nga, may sakit. Emaciated at halos walang balahibo yung Labrador. Anak ng— Labrador Retriever??!! At galing na daw sa beterinaryo. Napaisip na lang ako bakit pa nila ipinrisinta kung ginamutan na pala ng doktor. Hay, mga tao talaga oo. Sino ba ang nagsabing naghihirap ang Pilipinas?
At sino rin ba ang nagsabing walang pakialam ang mga Pinoy? Yung isang babae may alagang pusa. Pinuntahan naming dail tinuro ng kapitbahay. Tiningnan namin. May mali nga sa kanya, nakapikit na ang isang mata, namamaga at nagmumuta. Sinabi namin ang pakay namin na naghahanap kami ng pang Patho case. Kahit bilhin namin. Maganda ang sagot nya. Wala daw sakit ang pusa nya. Uh, okey. Hindi ko tuloy alam kung alin sa kanila ang may diperensya sa mata. Yung amo o yung pusa. Well, at least mahal nya yung alaga nya. Ayaw nyang mawalay.
Ilang beses din kaming nakatanggap ng ganung sagot kahit obvious na obvious na may hindi normal sa alaga nila. Sa puntong mahal na mahal nila ang mga alaga nila kaya till death do them part, ikinatuwa ko na rin yun. Hindi lang ako natuwa dahil wala pa rin kaming Patho case.
Hanggang makarating kami sa dulo ng walng hanggan. Literally. Dahil kapag dineretso namin ang daan, malalaman namin na mataas pala ang tinutungtungan naming dahil isang hakbang pa ay malalaglag na kami sa bangin na may mabatong ilog sa ibaba. Hay.
Pero doon kami nakakuha ng pusa. Sa huling bahay, sa huling barangay na naabot namin. Sa sobrang layo may sarili na silang maliit na palengke. Doon may payatot na pusa. Payatot pero masiba. Kaya ipinamigay na lang sa amin. Kahit nakikinikinita ko na na malamang may bulate lang yun, kinuha na rin namin. Para lang may masabing hindi namn nasayang ang expedition namin.
Kinahapunan, napatunayan kong tama ang hinala ko. Sindami ng kanin ang mg a bulate sa tyan nya. Walang ibang sakit. Sayang, hindi rin namin sya magagamit.
Kawawang pusa.
Posted at 12:12 am by lieza_fe
Permalink
Jan 6, 2006
Walang klase. Katatapos lang ng exam kahapon e. (leche talaga yun!) naglaba na lang uli ako ng mga napakaraming damit na matagal nang nagmumura sa hamper ko. Nakakaawa yung washing machine. Kalahating araw na, hindi pa humihinto.
Spinner-dryer-spinner-dryer-spinner-dryer-spin—-
O, bakit kaya huminto? Hindi naman overloaded. Nasira pa ata. Hindi na umiikot. Anu kayang mali? Bago naman ang tubig. Kakalagay ng sabon. Kahit sayang, kailangan ko pa tuloy i-drain para malaman ko kung bakit pumalya.
Nang nawala ang tubig, kita ko agad. May bumara lang palang piso. Tinanggal ko lang at gumana na. Inumpisahan ko na uling maglaba. Naawa ako sa washing machine. Matagal pa akong matapos. Naawa ako pero wala rin akong magagawa. Ganun talaga.
Pareho lang kami kung tutuusin. Kahit mahirap, kahit paulit-ulit, kahit minsan may bumabara at pumapalya, tuloy pa rin. Yun nga lang, ang pagkakaiba, kapag ang washing machine pumalya, ako ang sisisihin. Pero kapag ako ang pumalya, hindi pwedeng sisihin ang washing machine.
Posted at 12:12 am by lieza_fe
Permalink
Jan 5, 2006
7am. Exam. 7am. Exam. 7am. Exam.
Wala pang pumapasok sa utak ko. Ala sais na at nagbabasa pa rin ako. Lecture pa lang. Wala pa akong alam sa lab. Anak ng lesion. Naghehemorrhage na ang buong sistema ko. Bahala na. Sige exam kung exam.
At nag exam nga. May nasagot naman ako. Marami nga lang mali. Hehehe.
Buti na lang, ala singko pa ang susnod na exam. Papasok muna ako sa isa kong klase. Yung sinasabi ko kahapon. Sige pasok naman ako. Pero parang may mali. Bakit parang gulat na gulat ang mga kaklase ko na makita ako? At lahat sila naka puti. Ako lang ang naka t-shirt. At itim pa. mga 3 minutes din ako umupo at nag isip. Bakit parang pinaglalaruan talaga ako ng tadhana. Teka anung araw ba ngayon, Thursday? Shet. Pasimple akong lumabas. Hindi ko pala klase yun. Pang Martes pala ako. Kaya pala. Nakakahiya ka lisape. Ang tanda tanda mu na hindi mo pa kayang imemorize ang schedule mo! Nagreview reviewhan nalang ako para sa exam. Exam na sana hindi ko na pinag aksayahan ng panahon dahil wala din akong masasagot. Ang bangis nun, grabe. Parang hindi makatarungan galing sa isang teacher na hindi naman magaling magturo. Pero yun na. Wala na akong magagawa.
"Bawi na lang sa susunod"- classic na pampalubag loob. Sa sarili at sa iba tuwing pagkatapos ng exams. Umuwi ako at naghimutok sa kapatid ko as usual. Inilibre tuloy nya ako ng Surigao Chiken. Pati ang paborito ko, parang hindi masarap ngayon. Masama ata talaga ang loob ko. Mapaglarong Tadhana.
Posted at 12:12 am by lieza_fe
Permalink
|
|
|